Tapos na ang unang buwan ng taon at papasok na uli tayo sa buwan ng Pebrero. At kapag Pebrero, unless February ang birthday mo (o kung sino man ang nasa isip mong iyan), unang pista na papasok sa isip ng karamihan ay ang matamis at mapait, kulay pula at amoy-tsokolateng Valentine's day. *With matching rose bouquets at the sides.*
*image courtesy of Google. Where else?*
So uh...ehem, Valentine's day.
Ang araw ng mga date at ka-sweet-an ng mga mag-kasintahan, nagliligawan, at ng mga "It's complicated" people. Dito rin pwedeng tiyumempo ang iba na ilabas ang tunay na saloobin sa iyong irog (Naks, "irog" pa gusto.) at makasama sila hanggang sa paglubog ng araw, magkaakbay na nakatingin sa langit sa bandang seaside sa MOA, along with 15 other couples. Kung uwian na pagkatapos noon o may iba pa kayong, um, balak diyan ay hindi ko na pakikialaman. Ang sweet nila, no?
Eh paano naman kung ikaw ay bigo/walang pag-asa sa pag-ibig, walang kasama, at/o kaya'y bitter lang talaga sa ika-14 na araw ng Pebrero? Edi SMP ka. O kaya'y SMP ka na naman, kung noong dalawang buwan bago ng Pebrero, balot ka sa lamig ng Disyembre na umiiyak ka sa gabi hanggang makatulog (Andrama naman, dre). Kaso this time, since February na, Samahan ng Malamig ang Pebrero naman. Binabati ko nga pala yung mga platinum members diyan ng SMP.
Ayon sa aking pahapyaw na pagsaliksik, St. Valentine is not just a single person. The name refers to the martyr priests who was executed for not renouncing their faith around the time of the second century.
So bakit nga ba kakilig-kilig ang aura ng Valentine's day, kahit na ang mismong mga santo ng pista ay nabugbog at napugutan ng ulo sa araw na ito?
Ewan ko. Sabi ko nga eh, pahapyaw na pagsaliksik lang ang ginawa ko. So go with the flow lang ako. Ehem...
Sa mga bigo, ok lang yan. Maiintindihan ko kung naisipan niyong maging depressed ng isa o ilang araw. I know that feel, bro. Pero siyempre, kahit mahirap, wag masyadong magpadala sa lungkot. Maging masaya ka naman. Mag-enjoy sa buhay. Kumbaga, i-schedule mo yang nararamdaman mo. Pwede namang magpaka-senti mag-isa eh. Tandaan, mas maganda ang patutunguhan ng mga ideyang pumapasok sa isip kapag masaya.
Sa pagiging bigo rin kadalasang nagsisimula ang pagka-bugnutin sa araw na 'to. Nasilam yata si Kupido at nahulog ka para sa taong hindi mo na maintindihan ngayon kung bakit ka nga ba nahulog in the first place. Konting hintay lang, mga dre. Lilipas rin yan kapag natamaan ka ulit. Tine-testing lang siguro ni Kupido ang archery skillz niya nung una.
Sa mga (or at least, sa tingin nila) walang pagasa, wag ganyan ang isipin! Meron yan, kaso baka hindi lang nila makita to. Ipakita niyong karapat-dapat ka! Kung nagawa niyo na lahat at wala talaga, meron ka pa ring pagasa. Yun nga lang, hindi pa siguro ngayon. Or baka hindi talaga sa kanya.
Kumusta na kaya yung mga couples ngayon?

Kahit ano man ang rason mo ng pagiging SMP ngayon, tandaan na lang nating panahon lang to kung saan pinapamukha sa atin ng lipunan na mga Forever Alone tayo. Kung hindi tayo magpapa-apekto, talo sila. Dadating rin ang araw na makakaalis tayo sa bangin na to.
At dapat lang makaalis tayo. Ayaw kong magkaroon ng loyalty award sa SMP.

No comments:
Post a Comment