Akala ko nung bata ako, may mga dinosaur pa nung panahon ng lolo at lola ko.
Tinanong ko pa nga sila eh.
Akala ko nung bata ako, hindi talaga pumupunta ng opisina ang mga magulang ko. Akala ko tinataguan lang nila ako somewhere sa labas ng bahay hanggang 5 o' clock ng hapon. Atsaka na sila papasok ng bahay ulit.
Akala ko nung bata ako, pinapalitan ang pangalan kapag matanda ka na. Para umayon sa edad.
Akala ko nung bata ako, bigla-bigla na lang magma-mature ang mga tao pagdating ng panahon. Parang Sims.
Akala ko nung bata ako, pagtakwil ang katumbas ng isang bagong kapatid.
Akala ko nung bata ako, astig ang mga boy bands.
Akala ko nung bata ako, social outcast ka na kapag "hindi ka namin bati".
Akala ko nung bata ako, walang saysay ang pag-memorize ng multiplication table.
Akala ko nung bata ako, mga professional na mag-behave ang mga high school students.
Akala ko nung bata ako, mas professional pa lalo ang mga college students. At seryoso ang buong oras mo sa college.
Years have passed (the weather's changed...) at eto na ang tingin ko sa mga ideas ko nung bata ako:
Wala naman na sigurong mga dinosaur sa panahon natin. Sila Lolong na siguro ang pinakamalapit sa dinosaur. Haha at talagang tinanong ko pa, ha? (Tinawanan nila ako nung tinanong ko sila eh)
One of these days, "makikitago" na rin ako. Magu-uwi na rin ako ng Dunkin Dounts Munchkins na puro Choco Butternut ang laman.
Hindi naman pala mandatory ang pagpalit ng pangalan. It's not the name that defines you. It's the other way around.
Kanya-kanyang pace ang maturity. Minsan recessive trait siya.
Dalawa ang ipinapanganak sa araw ng kapanganakan ng kapatid mo. Una, ang kapatid mo mismo. Pangalawa, ang responsibilidad mo bilang nakakatanda.
Meh. Masarap silang pakinggan for nostalgia. Pero for actual listening? Malaki ang pasasalamat ko sa mga bands na nauso nuong early 2000s.
Mas grabeng social outcasting pala yung talagang hindi ka napapansin. Or worse, yung pinipiling hindi ka pansinin.
Malaki na ang respeto ko sa Math. Na-appreciate ko na rin siya. Naa-angasan na ako sa kanya. Respect! *thumps chest twice with closed fist*
Mga baliw na naka-sentro sa kaibigan, relasyon, at drama ang mga high school students. No offense.
Parang ganun rin kaming mga college students. Mas baliw pa nga siguro. At yung seryosong oras sa college? Kung meron man, yung 3rd year-4th year yun.
Hala, Tuesday na. Tulog na ko.
No comments:
Post a Comment