May mga kailangan bang ipasa bukas?
Well, either way...
Ehem...
The Japanese characters in the title reads "Esenpi", which translates to Philippine collective group of single people on Christmas, or "SMP", where in the latter is the most commonly known as and commonly referred to. The characters could also translate to SNP, but what the hell does that mean? Wala naman eh.
Instead, I'll rant about SMP. :)
SMP. Samahan ng Malamig na Pasko (sabi ni google translate, "accompany a cold christmas" daw. HAHA dami mong trip, GTranslate!). Kapag ikaw ay walang girlfriend/boyfriend by Christmas, member ka na kaagad. No membership fee required. Kapag nawalan ng boyfriend/girlfriend and stays that way until after Christmas, congrats! Platinum member ka na.
Are you one of us? ;) Welcome to the family.
Although it's true that the thought of spending Christmas without a boyfriend/girlfriend may be sad, may iba pa namang tao diyan eh. You don't have to spend the holidays with someone you are romantically attached to, you know. May kaibigan ka naman, may pamilya ka naman. Never forget them. One more thing, may mga taong preferred nilang "malamig" ang Pasko nila. Yung mga either kuripot, "na-hurt", o talagang ayaw lang magpatali sa relasyon muna (or a combination of the 3, why not?). Kung kaya nilang buong-pusong magsaya kahit na wala silang romantic relationship, hindi rason ang pagiging lonely mo para mag-post ng dalawang/apat na linya ng lyrics ng love song tapos may sad face/broken heart sa dulo bilang FB status.
Just saying: At a time of joy, love, and sharing, why would you choose to be depressed and let the depression center on one seemingly unreachable person when you can be truly happy with the help of just a few people?
Shit, may quiz yata bukas. At gutom ako. =__=
Wednesday, November 30, 2011
Monday, November 28, 2011
TGIM/"We have to go deeper"
I love Mondays now. Especially mornings. :3
Sa wakas, after 5 semesters in college, naging 5 days na ulit ang pasok ko. Magi-isang buwan na akong pumapasok eh masaya pa rin ako tuwing Sunday ng gabi.
A few reasons why I <3 Mondays:
1. Since ako ay isang teenager, at ang mga teenager ay nocturnal creatures, ayos lang magpuyat on Sundays. Para dun sa mga nagtataka kung bakit gustong-gusto namin magpuyat pero puro reklamo kinabukasan, ganito yan: Gusto naming mapuyat dahil sa gusto naming gawin, hindi dahil sa pinapagawa sa amin. :D
2. Kasi alam kong babangon sila ng around 4:30 at makikita nila akong tulog pa rin sa kwarto habang magbibihis sila papunta sa school/trabaho. Mas masarap kasi yumakap ang kama at kumot kapag nagising ka ng maaga at hindi ka nagmamadali. Good morning instantly guaranteed.
3. Kung ikaw yung tipong maaga pa rin gumising, you get the satisfaction of seeing your neighbors go to school/work habang ikaw eh pa-petiks petiks na sumisipsip sa kape at kumakain ng pandesal na may Cheez Whiz. Da best, yo.
4. Kung ikaw yung tipong tinutulog ang buong umaga, ayun. Walang istorbo.
5. Since hindi mo pinasukan ang Lunes, hindi ka na ganun ka bitter sa Tuesday. Totally worth whatever it was you were doing on Monday.
And that's why I love Mondays. :3
Random and unrelated Spiderman pic, go!
-------------------------------------------
I just remembered, I had one strange dream last night.
The first thing I could remember was that I was somewhere watching over a place in our subdivision. I think I was on a helicopter which, for some reason, was flying just 20 feet off the ground. Masyado yata akong nage-enjoy sa MW3.
Anyway, the next thing I remember was that I was suddenly alone in a room inside a building. Wala man lang transition from the previous scene. From the looks of it, malamang wala na ako dun sa subdivsion namin. Also, there was a broken mirror in front of me and a hallway beside the mirror. You know, kapag ang kwarto eh iisang bumbilya lang ang ilaw (yung tipong nagii-swing kasi nakasabit lang) tapos walang laman ang kwarto kundi salamin lang, alam mo nang may mangyayaring hindi mo gusto kapag tumingin ka sa salamain. Eh since panaginip, fuck logic. Tumingin pa rin ako.
I said I was alone in the room, right?
IT TURNS OUT I WASN'T.
Pagkakita ko doon sa salamin, may batang babaeng nakabuka yung bibig, horror-style. Natakot ako, at nagising sandali. Minulat (naks, "minulat"!) ko lang mata ko sandali tapos balik kaagad sa tulog. So it turns out, commercial break lang pala yung saglit na pag-gising. Kasi tumuloy yung panaginip. Pagkalingon ko doon kay horror girl, normal na itsura niya at pinasunod niya ako doon sa hallway katabi ng salamin papunta sa kabilang kwarto. Doon na man sa kabila eh may isang kwarto. Tapos pagkabukas ko sa pinto, may isang bangkay na nakatakip sa kumot at naka-upo sa dentist chair. Tapos, sumigaw si horror girl.
And that's pretty much it.
TL;DR: Horror-themed ang panaginip ko kagabi. De end. Kung may maalala man uli akong mga ganitong panaginip, ishe-share ko.
Sunday, November 27, 2011
Perstaym
Hey, guys. :D
My first blog so medyo mental block pa sa topic. So parang usual first meeting of klase (assuming na pumasok ang prof), intro lang muna.
Ichi: Etong blog na to ay repleksyon ng mga ideya at opinyon ng otor (author). Anumang pagkaparehas sa ideya at opinyon ng iba ay hindi sinadya ng otor. Unless otherwise specified.
Ni: Most likely, may mga iba't ibang reference akong babanggitin. Song lyrics, famous people (fictional or non-fictional), and internet memes among others. But not necessarily in that order. May mga iba pa siguro, malay niyo.
So...uh...ayon. End of intro. Enjoy na lang tayo dito!
Hirap magsulat kapag walang maisulat.
Class dismissed.
Subscribe to:
Posts (Atom)